Sining ng isang Katutubo

photo of "Tonyo" Cruz Isang napakalaking bagay ng sining sa ating pamumuhay at maging sa ating kasaysayan. Karamihan sa mga sining ng ating bansa ay galing sa ating mga katutubo na kung saan malaking tulong ito sa pagpapaunlad ng sining sa ating bansa ngunit isang napakalaking irony na kung sino pa ang nagpapaunlad ay sila naman itong kapos sa pamumuhay. Ayon sa isang akda ni Alice Guillermo sa Philippine Contemporary Aesthetic "It is not enough to patronize,collect, and encourage fashions in indegenous art if one does not take part in the movement to obtain a better quality of life for them." Ayon sa kanya, hindi sapat ang anumang pag suporta natin sa isang sining kung hindi tayo nakikibahagi sa pagtulong upang mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga katutubo. Sa kasalukuyan, Ang gobyerno mismo ang hindi nagpapahalaga sa ating mga katutubo katulad na lang ng katutubo nating Lumad na pinagkakaitan ng sarili mismo nilang lupa na inaangkin ng g...