Sining ng isang Katutubo



photo of "Tonyo" Cruz



        Isang napakalaking bagay ng sining sa ating pamumuhay at maging sa ating kasaysayan. Karamihan sa mga sining ng ating bansa ay galing sa ating mga katutubo na kung saan malaking tulong ito sa pagpapaunlad ng sining sa ating bansa ngunit isang napakalaking irony na kung sino pa ang nagpapaunlad ay sila naman itong kapos sa pamumuhay. 
Ayon sa isang akda ni Alice Guillermo sa Philippine Contemporary Aesthetic "It is not enough to patronize,collect, and encourage fashions in indegenous art if one does not take part in the movement to obtain a better quality of life for them." Ayon sa kanya, hindi sapat ang anumang pag suporta natin sa isang sining kung hindi tayo nakikibahagi sa pagtulong upang mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga katutubo. Sa kasalukuyan, Ang gobyerno mismo ang hindi nagpapahalaga sa ating mga katutubo katulad na lang ng katutubo nating Lumad na pinagkakaitan ng sarili mismo nilang lupa na inaangkin ng gobyerno para lang sa kanilang pangsariling interes, makikita rin sa mga balita ang mararahas na paggawi ng mga sundalo sa mga Lumad kung saan kanilang sinunog ang paaralan nila. Ang Lumad ay isang pangkat ng mga katutubong tao ng katimugang Pilipinas. Ito ay salitang Cebuano na nangangahulugang "katutubo".Hindi lingid sa ating kaalaman na halos lahat ng mga katutubo ay mahihirap o kapos sa buhay mga walang sariling tirahan, hindi nakakapag aral, hindi nakakakain ng maayos at masusustansyang pagkain at hindi nakakatamasa ng pantay na pagtingin na kung saan hindi binibigyang pansin ng gobyerno.
Simple lang ang nais nila, ang mamuhay ng payapa at matiwasay kasama ang kanilang tribo ngunit kung ganito ang pagtrato sa mga Lumad at iba pang mga katutubo, paano nalang ang sining sa ating bansa? paano na ang mga katutubo? Kailan natin ito bibigyan ng pansin? Kung kailan huli na ang lahat? Hindi ito tungkol lamang sa kanila, tungkol ito sa susunod pang mga henerasyon at sa hinaharap ng bansang Pilipinas.

Comments